Kris Bernal Isiniwalat ang Galawan ng Hacker Kung Paano na-Hacked ang Kanyang Account
CASH ON DELIVERY
FREE SHIPPING NATIONWIDE
Kris Bernal, muling nakapagpost sa kanyang Instagram account at nagpasasalamat sa pagkabalik ng kanyang Instagram page. Sa kanyang post ay ibinunyag din niya ang naging pagkakamali na naging sanhi sa pagka-hack ng kanyang mga social media accounts.
Isiniwalat ni aktres sa interview niya sa 24 Oras ng GMA News ang naging mali niya na naging sanhi ng pagka-hack ng kanyang mga accounts. Dugtong pa ng aktres na dahil sa pag aakala niyang legit ito ay clinick niya ang link at tinype niya ang kanyang email at password sa log-in ng nasabing link. Aniya: "May copyright infringement daw ako so parang I have to report to them, parang I have to click this link... Nung nakita ko from Instagram, sabi ko, akala ko legit."
" Doon na nagsimula na may lumalaban na... d'un sa password 'di ko na ma-log in."
Ibinahagi rin ng aktres na hindi pa niya nababawi ang kanyang Twitter at personal email mula sa hacker.
May payo naman siya sa lahat ng mga netizens na ingatan ang kanilang mga passwords at gamitin ang two-factor authentication para maprotektahan ang kanilang mga account kung sakali.
Gamitin niyo 'yung two-factor na authentication ng mga accounts ninyo kasi dahil d'un hindi na 'ko napasok at all ng hacker."
No comments:
Post a Comment